Biyernes, Hulyo 5, 2013

Ecnomics Q2 -1st Quarter

Rosario National High School
Rosario, Cavite

Ekonomiks Quiz 2
1st Quarter SY 2013-2014

Test I.   Suriin ang dalawang pangungusap sa bawat bilang sa ibaba. Isulat ang letra ng sagot na tumutugma sa 
              mga binigay na pagpipilian.

A.      Ang unang pangungusap ay TAMA at MALI ang ikalawa.
B.      Ang unang pangungusap ay MALI at TAMA ang ikalawa
C.      Parehas na TAMA ang pangungusap
D.      Parehas na MALI ang pangungusap

1.       Nagsimulang magkaroon ng pag-aari ang mga tao sa panahon ng pagpapastol.
Gumamit na ang mga tao ng salapi sa pakikipagkalakalan sa panahon ng pagpapastol.

2.       Simple lamang ang pangangailangan ng tao sapananahon ng pangangalap at pangangaso.
Wala silang pirmihang tahanan sa panahong ito ng pangangalap at pangangaso.

3.       Sa panahon ng pagsasaka ang mga tao ay nagsimulang magtayo ng mga pantahanang industriya.
Nagkaroon ng “specialization” at “division of labor” sa panahon ng pagsasaka.

4.       Sa panahon ng industrial stage ang paggamit ng mga makina sa pagawaan ay lumaganap.
Tumaas ng todo ang mga prpoduksiyon ng produkto.

Test II. Tukuyin sakung anong panahon ipinatupad ang mgasumusunod na patakarang pang-ekonomiyang
             umiral sa bansa. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A.      Panahon ng Kastila                  B. Panahon ng Amerikano

5.       Bell Trade Act
6.       GalleonTrade
7.       Tobacco Monopoly
8.       Sistemang Encomienda

Test III. Tukuyin kung sinong pangulo ng bansa ang nagpanukala at nagpatupad ng mga programang pang-ekonomiya sa bawat bilang sa ibaba. Isulat ang pangalan ng bawat pangulo ng bansa. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Pwedeng maulit ang sagot.
Manuel Roxas                   Ramon Magsaysay          Elpidio Quirino        Ferdinand Marcos
Carlos P. Garcia                 Diosdado Macapagal      Corazon Aquino    Noynoy Aquino               
Fidel Ramos                        Gloria M.  Arroyo
 
 





9.       Land Reform Act of 1955
10.   Filipino First Policy
11.   Rehabilitation
12.   Itinatag ang Land Bank of the Philippines (LBP)
13.   Industrialization
14.   Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP- RA 6657)
15.   Martial Law
16.   Alleviation of Poverty
17.   Pagkain sa Bawat Mesa
18.   Import Substitution Policy
19.   Conditional Cash Transfer (CCT)

20.   Privatization

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento