Rosario
National High School
EKONOMIKS –
Quiz 1 (Set A)
1st
Quarter SY 2013-2014
Pangalan:
________________________________ Petsa:
_____________
Antas/Seksyon:
___________________________
I.
Piliin
ang pinaka-angkop na kasagutan sa bawat tanong.Isulat sa iyong sagutang papel
ang titik ng tamang sagot.
1.
Ang
salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na
ang ibig sabihin ay
a.
pamamahala
ng negosyo b. pakikipagkalakalan c. pamamahala ng tahanan d. pagtitipid
2.
Ang
ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat
a.
Pinag-aaralan
dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal
na pangangailangan
b.
Nagbibigay
ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating mundo
c.
Pinag-iisipan
sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao
d.
Pinag-aaralan
dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa
3.
Ang
pinagkukunang yaman ng mundo ay may kakapusan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
tamang paliwanag ng konsepto ng kakapusan?
a.
Hindi
nakasasapat ang mga yamang likas upang maibigay ang lahat ng hilig-pantao
kaya’t lumikha ang mga tao ng iba pang mga produkto upang mapunan ang marami
nilang pangangailangan at hilig.
b.
Hindi
lubos na nakasasapat ang pinagkukunang-yaman upang matugunan ang lahat ng
pangangailangan ng mga tao sa mundo.
c.
Ang
kalikasan ay mauubusan ng mga likas na yaman kung hindi gagamitin ng wasto ang
mga ito.
d.
May
kakapusan ang pinagkukunang –yaman ng daigdig dahil malapit nang magwakas ang
daigdig.
4.
Habang
ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay
may hangganan, ang mga pangangailangan at hilig ng tao naman ay
a.
May
hangganan din c.
paparami nang paparami at walang katapusan
b.
Kakaunti
lamang kaya’t madaling tugunan. D.
kagaya pa rin noong unang panahon at di nadaragdagan.
5.
Nagkakaroon
ng kakapusan sa daigdig sapagkat
a.
Lumiliit
ang sukat ng daigdig
b.
nananatiling
maliit ang sukat ng daigdig gayundin ang bilang ng mga tao rito
c.
Nadaragdagan
sng mga sukat ng daigdig habang lumalaki ang bilang ng mga tao dito
d.
Pareho
pa rin ang sukat ng daigdig habang mas mabilis naming lumalaki ang bilang ng
mga tao at ang kanilang mga pangangailangan.
6.
Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay
a.
labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan
at hilig-pantao.
b.
kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga
pangangailangan at hilig-pantao.
c.
pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.
d.
pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya.
7.
Ito ang pamamaraan o mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman
sa iba’t ibang gamit upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga tao sa
lipunan.
a. Produksiyon b. alokasyon c. imbensiyon d.
kalkulasyon
8.
May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang
hindi kasama sa pangkat?
a.
Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan? c. Para kanino ang mga lilikhaing produkto
at serbisyo?
b.
Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo? d. Paano titipirin ang mga sangkap sa
paggawa ng produkto?
9.
Ang pangalawang sangay ng pag-aaral ng ekonomiks ay nagsusuri ng mga
impluwensiya ng kalakalan sa pagtaas ng pambansang kita, paglawak ng
pandaigdigang pamilihan, at pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga tao sa
daigdig. Ano naman ang tawag sa sangay na ito?
a.
globalisasyon makro-ekonomiks c. maykro-ekonomiks d.
kapitalismo
10.
Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks
bilang isang agham panlipunan?
a. Maibigay
ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap.
b. Maitaas ang
antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
c.
Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
d. Makalikha
ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang
bansa.
II.
Tukuyin kung anong disiplina o agham ang
inilalarawan sa bawat sitwasyon sa ibaba.
_____________________ 11. Si Mark ay gumagamit ng graphs at estatistika
upang masuri ang problema sa kakulangan ng mga doctor sa Pilipinas.
_____________________ 12. Si Mikee ay kinuhang modelo para sa isang
patalastas sa TV na “Make it a habit”….drink MYRA 300E.
_____________________ 13. Ugali na ni Jericho na bumili ng mga bagay na
naka sachet sa tindahan kaysa bumili ng bote-boteng produktong kailangan niya.
_____________________ 14. Si Haring Rendyl ay napilitang gamitin ang
natitirang yaman ng kanyang nasasakupan upang ipambili ng armas na gagamitin
nila sa
digmaan.
_____________________ 15. Mahilig magbalik tanaw si Jherlyn sa kanyang
nakalipas na mga gastusin upang malaman niya kung saan napupunta ang
kanyang
kinikita. Gagamitin niya ito upang mapag planuhang mabuti ang kanyang
mga paggastos.
III.
Gumuhit ng mga larawang nagpapakita ng layunin o halaga ng ekonomiks sa ating
pang-araw araw na gawain. Ipaliwanag ang iginuhit na larawan gamit ang 2
pangungusap.
Rubrics:
pagkamalikhain/creativity: 2 kaugnayan
ng iginuhit na larawan sa paksa/relevance: 3
Prepared by:
Mr. Armand Ison