Miyerkules, Hunyo 26, 2013

Ekonomiks Quiz 1 - Unang Kapat

Rosario National High School
EKONOMIKS – Quiz 1 (Set A)
1st Quarter SY 2013-2014

Pangalan: ________________________________                                                                                                                                                                                                 Petsa: _____________
Antas/Seksyon: ___________________________

I.                     Piliin ang pinaka-angkop na kasagutan sa bawat tanong.Isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1.        Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay
a.        pamamahala ng negosyo    b. pakikipagkalakalan            c. pamamahala ng tahanan      d. pagtitipid
2.        Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat
a.        Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan
b.        Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating mundo
c.        Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao
d.        Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa
3.        Ang pinagkukunang yaman ng mundo ay may kakapusan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tamang paliwanag ng konsepto ng kakapusan?
a.        Hindi nakasasapat ang mga yamang likas upang maibigay ang lahat ng hilig-pantao kaya’t lumikha ang mga tao ng iba pang mga produkto upang mapunan ang marami nilang pangangailangan at hilig.
b.        Hindi lubos na nakasasapat ang pinagkukunang-yaman upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao sa mundo.
c.        Ang kalikasan ay mauubusan ng mga likas na yaman kung hindi gagamitin ng wasto ang mga ito.
d.        May kakapusan ang pinagkukunang –yaman ng daigdig dahil malapit nang magwakas ang daigdig.
4.        Habang ang pinagkukunang-yaman ng  daigdig ay may hangganan, ang mga pangangailangan at hilig ng tao naman ay
a.        May hangganan din                                                                      c. paparami nang paparami at walang katapusan
b.        Kakaunti lamang kaya’t madaling tugunan.                                   D. kagaya pa rin noong unang panahon at di nadaragdagan.
5.        Nagkakaroon ng kakapusan sa daigdig sapagkat
a.        Lumiliit ang sukat ng daigdig                                                                 
b.        nananatiling maliit ang sukat ng daigdig gayundin ang bilang ng mga tao rito
c.        Nadaragdagan sng mga sukat ng daigdig habang lumalaki ang bilang ng mga tao dito
d.        Pareho pa rin ang sukat ng daigdig habang mas mabilis naming lumalaki ang bilang ng mga tao at ang kanilang mga pangangailangan.
6.        Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay
a.     labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan at hilig-pantao.
b.     kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga pangangailangan at hilig-pantao.
c.     pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.
d.     pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya.
7.        Ito ang pamamaraan o mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman sa iba’t ibang gamit upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga tao sa lipunan.
a.  Produksiyon        b. alokasyon                    c. imbensiyon                d. kalkulasyon
8.        May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang hindi kasama sa pangkat?
a.        Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?    c. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
b.        Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?       d. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
9.        Ang pangalawang sangay ng pag-aaral ng ekonomiks ay nagsusuri ng mga impluwensiya ng kalakalan sa pagtaas ng pambansang kita, paglawak ng pandaigdigang pamilihan, at pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga tao sa daigdig. Ano naman ang tawag sa sangay na ito?
a. globalisasyon            makro-ekonomiks       c. maykro-ekonomiks                                               d. kapitalismo
10.     Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?
a.     Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap.
b.     Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
c.     Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.

d.     Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa.
II.                    Tukuyin kung anong disiplina o agham ang inilalarawan sa bawat sitwasyon sa ibaba.
_____________________ 11. Si Mark ay gumagamit ng graphs at estatistika upang masuri ang problema sa kakulangan ng mga doctor sa Pilipinas.
_____________________ 12. Si Mikee ay kinuhang modelo para sa isang patalastas sa TV na “Make it a habit”….drink MYRA 300E.
_____________________ 13. Ugali na ni Jericho na bumili ng mga bagay na naka sachet sa tindahan kaysa bumili ng bote-boteng produktong kailangan niya.
_____________________ 14. Si Haring Rendyl ay napilitang gamitin ang natitirang yaman ng kanyang nasasakupan upang ipambili ng armas na gagamitin nila sa
                                                digmaan.
_____________________ 15. Mahilig magbalik tanaw si Jherlyn sa kanyang nakalipas na mga gastusin upang malaman niya kung saan napupunta ang kanyang 
                                                kinikita. Gagamitin niya ito upang mapag planuhang mabuti ang kanyang mga paggastos.

III.                  Gumuhit ng mga larawang nagpapakita ng  layunin o halaga ng ekonomiks sa ating pang-araw araw na gawain. Ipaliwanag ang iginuhit na larawan gamit ang 2 pangungusap.
Rubrics:      pagkamalikhain/creativity: 2               kaugnayan ng iginuhit na larawan sa paksa/relevance: 3


 
 




 Prepared by:
Mr. Armand Ison

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento